Inaasahan pa ng independent OCTA Research group ang pagbaba pa ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) bago matapos ang Oktubre ng taon.

Inilabas niOCTA fellow Dr. Guido David ang pahayag sa kanyang Twitter account nitong Huwebes at sinabing kapag below 1 na ang reproduction number ng sakit ay nangangahulugang pababa nang pababa na ang hawaan nito.

Sa Metro Manila aniya, nasa 0.47 na lamang ang naitalang reproduction number habang sa buong Pilipinas ay nasa 0.55 ng lamang.

Nilinaw pa ng independent research group na ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng maaaring hawaan ng infected ng sakit.

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’

Sinabi pa nito na ang kasalukuyang 7-day average sa bansa ay aabot ng 6, 416 habang sa National Capital Region ay aabot na lamang ng 1,156