Mukhang dedma ang Kapamilya actor na si JM De Guzman hinggil sa pagkakadawit niya sa isyu ng hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Matagal na siyang naiuugnay kay Kylie Padilla at siya umano ang third party, ayon sa 'expose' ni Xian Gaza.

Sa kaniyang latest Instagram post, ibinahagi ni JM ang kaniyang 'fitspiration journey' na tinawag niyang diary.

"Palakpakan… mag-diary muna ako. Dear diary," panimula ni JM sa kaniyang IG caption nitong Oktubre 19, 2021, araw kung kailan binasag ni Aljur ang kaniyang katahimikan at isiniwalat ang 'untold side story'.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

JM De Guzman (Larawan mula sa IG)

"Alam mo ba 2 almost mons. (ako) nag-panic/ anxiety free. Sakripisyo. Disiplina. Change lifestyle. 3 weeks straight Intermittent fasting 16/8 to 18/4 then calorie deficit only clean and healthy food. (prepared by pogi @matthewdeguzman)."

"Alak free. Pambihirang okasyon 2 glasses maks. Ran 5k almost everyday. (yung iba fasted runs). Spent most of the time alone, iwas-cellphone, reflecting. Praying. Solfeggio freqs meditation. Kalungkot pero marami akong nahasa. Music."

Aniya, kawawa naman umano ang kaniyang 'future wife.'

"Saka kawawa naman future wife ko. Paalagin. May bonus pa na body fat weight loss. #notgettinganyyounger #beinlovewithyourselffirst #nohardshipsnogrowth."

Samantala, wala pang pahayag si JM hinggil sa isyung nagdadawit sa kaniya kina Aljur at Kylie.