Nababahala na umano si Pinoy Big Brother host Bianca Gonzalez sa mga nakikita at nababasa niyang posts sa social media, na para bang nagiging normal na lamang ang 'foul words' lalo na kapag taliwas sa sariling paniniwala, opinyon, o saloobin ang ipinahayag ng iba.

"Nakakabahala na 'normal' na sa ilang tao yung magko-comment ng "b0b0" or "tang@" or "g@g0" at lalo kapag chineck mo ang profile nila at magulang pala siya ng maliliit pang bata o di kaya'y may bible verse ang bio," ayon sa kaniyang tweet noong Oktubre 13.

Bianca Gonzalez (Larawan mula sa Twitter)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaya panawagan niya: "We all want the best possible future, so sana wag ganyan?"