Binuksan ng Makati City government ang pinakabago nitong Makatizen Hub na layong tugunan ang ilang transaksyon ng mga residente ng lungsod sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kasama ang ilang kinatawan ng SM, pinasinayaan ni Makati City Mayor Abby Binay ang hub sa ikaapat na palapag ng SM Makati.

Larawan mula Makati LGU

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

“Magsisilbi itong satellite office ng City Hall at tatanggap ng mga kliyente mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes, para sa iba’t ibang transaksyon na karaniwang sinasadya pa sa City Hall ng mga residente at taxpayers,” sabi ni Binat.

“Dahil dito, mas nailalapit natin ang mga serbisyo ng City Hall sa mga mamamayan at negosyo sa Makati, at naisasagawa nang ligtas at maayos ang mga transaksyon sa lungsod sa gitna ng pandemya,” dagdag niya.

Patrick Garcia