Nakapagtala ang Pilipinas ng 6,913 na bagong kas ng COVID-19 nitong Linggo, Oktubre 17, na sanhi upang umabot sa 2.720,368 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).
Base sa huling case bulletin, nasa tatlong porsyento o 81,641 ang aktibong kaso ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 82 na porsyento ang mild symptoms, 5.5 na porsyento ang asymptomatic, 7.13 na porsyento ang nasa moderate condition, 3.8 na porsyento ang nakararanas ng severe symptoms, habang nasa 1.6 na porsyento ang nasa kritikal na condition.
Umabot ang death toll sa 40,675 matapos makapagtala ng 95 na namatay sa sakit.
Samantala, 10,237 naman ang nakarekober sanhi upang umabot sa 2,598,052 o 95.5 na porsyento ng kabuuang bilang ng kaso.
Analou de Vera