BACOLOD CITY - Patay ang isang 9-anyos na lalaki matapos masagasaang tatlong sasakyan sa Araneta Street, Barangay Singcang-Airport ng lungsod, nitong Biyernes.
Kinilala ng pulisya ang biktima na siKian Aguda, taga-Brgy. 35 ng nabanggit na lugar.
Sa pahayag ni Maj. Joery Puerto, hepe ng Police Station 8, patawidna sana ang biktima nang masagasaan ng isang puting van, dakong 10:00 ng gabi.
Gayunman, pinaharurot kaagad ng driver ang sasakyan hanggang sa makatakas.
Dalawa pang sasakyan na bumubuntot sa van ang nakasagasa sa bata na namatay kaagad sa lugar.
Sinabi ng pulisya na kabilang si Aguda sa mga bata na nagtatambay sa lugar.
Sinisilip pa ng mga awtoridad angclosed circuit television (CCTV) camera sa lugar upang matukoy ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente.
Glazyl Masculino