BIÑAN CITY, Laguna – Nag-deploy ang lokal na pamahalaan ng vaccination boat para mabakunahan ang mga residente malapit sa Laguna de Bay laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Nitong Oktubre 6, isang floating vaccination station ang unang dumating sa coastal barangay ng Malaban, lugar kung saan lubog sa baha kasunod ng pag-ulang hatid ng bagyo nitong mga nakaraang linggo.

“Nakikita namin na nahihirapan ang mga tao na malapit sa baybayin ng Laguna Lake at mga bahang lugar para makapunta sa mga vaccination sites,” sabi ni City Health Office Disease Surveillance Officer Hans Kristian O. Lorenzanasa Manila Bulletin.
Samanatala, mayroong din Vax on Wheels na inisyatiba ang local government unit (LGU) sa mga covered courts, simbahan, at village function halls para mapabilis ang vaccine rollout.
“Kaya lang mahirap naman kung Vax on Wheels kasi sila ung mga lugar na lubog sa baha at tubig kaya mga balsa at bangka ang ginamit naming,” dagdag ni Lorenzana.

Namahagi rin ang LGU ng bigas at grocery items para mahikayat na magpabakuna ang mga residente.
Mula Oktubre 15, ang lokal na pamahalaan ay nakapagbakuna na ng nasa 173,607doses ng COVID-19 vaccine kung saan 38.5 percent ng target population ang nakatanggap na ng kanilang unang dose habang 30.45 percent naman ang fully-vaccinated.
Carla Bauto Deña