Hindi makaaapekto sa lokal na ekonomiya,katulad ng operasyon ng mga establisimyento at pagawaan ang ipinatutupad na granular lockdown sa Metro Manila.
Ito ang tiniya ng Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng kasalukuyang pagsasailalim sa alert level system with granular lockdown ng National Capital Region (NCR).
Reaksyon ito ng DTI sa gitna ng pangamba ng ilang business leaders kasabay ng virtual conference ng Taskforce T3 (Test, Trace and Treat), sa posibleng maging impact ng mga granular lockdown sa operasyon ng mga kumpanya maging sa labas ng Metro Manila.
Ipinaliwanag ni DTI Secretary Ramon Lopez, layunin talaga ng granular lockdown na mas paliitin ang saklaw nito upang hindi makaapekto saiba’tibangestablisyimentosa isang lugar.
Beth Camia