Tatlong miyembro ng Kongreso ang naglalayong i-ammend ang Republic Act No. 11036 o ang Mental Health Act.

Naghain ng House Bills 6782, 6806 at 6884 sina Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor, Bohol 1st District Rep. Edgar Chatto at Aurora Rep. Rommel Rico Angaraupang amyendahan ang batas na magbibigay ng compensation benefits at financial assistance sa mga empleyado o manggagawang dumaranas ng mental health issues o disability.

Sa kanyang explanatory note para sa HB 6782, sinabi ni Tutor na sa pag-amyenda sa RA 11036, masisigurong may agad na benepisyong matatanggap ang mga manggagawa kung nakuha nito ang mental health issue sa kanyang trabaho.

Matatandaang naisabatas ang Mental Health Act o RA 11036 noong Hulyo 5, 2018.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Layon ng RA 11036 ang maisaayos ang pagahahatid ng ilang serbisyo kaugnay ng mental health, pag-promote at proteksyon sa karapatan ng tao sa pagkakaroon ng psychiatric, neurologic at psychological health services sa pamamagitan ng paglalagak ng pondo.

Inatasan din ng batas ang pamahalaan na kilalanin ang karapatan ng bawat Pilipino sa kalusugang mental at ang pangangailangan nito ng mga serbisyu kaugnay ng usapin.

Dinidirektahan din ng Mental Health Act na sumunod sa mga obligasyong nakasaad sa ilang international at regional rights conventions and declarations kabilang ang United Nations Declaration of Human Rights at Convention on the rights of Persons with Disabilities.

Nitong Oktubre 1, nilagdaan ng Department of Health (DOH) ang implementing rules and regulations (IRR) ng Mental Health Act.

Melvin Sarangay