Nasa higit 1,000 bilang ng mga bata na may comorbidities edad 12 taong-gulang hanggang 17 taong-gulang ang nakatanggap ng first dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ito ang hudyat ng pagsisimula sa pediatric vaccination nitong Biyernes, Oktubre 15.

“As of 4 p.m., the National Vaccine Operations Center (NVOC) reported a total of 1,031 children inoculated,” sabi ng DOH sa isang pahayag.

Ayon sa ahensya, kalakhan sa mga nabakunahang bata ay mula sa Philippine Heart Center, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center – Global City, at Pasig City Children’s Hospital.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Sa pagtataya ng DOH, nasa 1.2 milyong bata na may comorbidities edad 12 hanggang 17 taong-gulang ang kailangan mabakunahan sa bansa.

Kabilang sa mga maaaring mabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang mga batang may karamdaman kagaya ng medical complexity (those with long term dependence on technical support), genetic conditions, neurologic conditions, metabolic/endocrine diseases, cardiovascular diseases, obesity, HIV infection, tuberculosis, chronic respiratory diseases, renal disorders, hepatobiliary diseases, at immunocompromised dahil sa sakit o gamutan.

“Sa ating pagbibigay proteksyon sa mga kabataang ito, atin ring mapoproteksyonan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa ating mga magulang at mga kabataan, kayo ay aming hinihikayat na makilahok sa pagbabakunang ito,” sabi ni DOH Secretray Francisco Duque III.

Analou de Vera