Sa darating na Disyembre, magsisimula ang kampanya ni Kai Sotto para sa kanyang koponang Adelaide 36ers sa National Basketball League-Australia.
Makakasagupa ng 36ers sa isang isang road game ang bagong koponang Tasmania JackJumpers sa homecourt nito sa MyState Bank Arena ganap na alas- 4:00 ng hapon.
Kasunod nito ang una nilang home game sa Disyembre 6 kontra Brisbane.
Bagamat naurong ang petsa ng opening, bawat koponang kalahok ay may nakatakda pa ring tig-28 laro.
Ang top 4 teams na tatapos pagkaraan ng eliminations ay uusad sa best-of-three semis kung saan ang top seed ay makakasagupa ang fourth-ranked team habang ang second at third placers naman ang magtutuos sa isa pang pairings.
Ang mananalong dalawang koponan ay uusad sa best-of-five finals.
“While it’s only a few weeks later than we originally planned, the new start date gives us a greater level of comfort and flexibility as we navigate through the current environment and prioritise having our growing number of fans courtside around the country and in New Zealand,” wika ni NBL Commissioner Jeremy Loeliger.
Marivic Awitan