Dahil sa mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs Port of Ninoy Aquino International Airport6 (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), isa na namang shipment ng ₱6,570,500 halaga ng ecstasy tablets mula sa Germany ang nasabat sa nasabing paliparan sa Pasay City nitong Miyerkules, Oktubre 13.
Sinabi ng PDEA na nadiskubre ang naturang iligal na droga sa isang package sa loob ng Central Mail Exchange Center.
Paliwanag ng ahensya, tinutukoy pa nila ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng droga sa bansa upang masampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Nitong nakaraang linggo, inaaresto rin ng BOC-NAIA, PDEA, at NAIA IADITG ang claimant ng 100 pirasong ecstasy tablets na nagkakahalaga ng ₱170,000 sa Central Post Office sa Maynila.
Bella Gamotea