Kinumpirma ni Grammy award-winning singer na si Adele na may relasyon na sila ng agent ng sikat na American professional basketball player na si LeBron James, na si Rich Paul.

"Yes, we’re together. We’re very happy," aniya sa panayam ng Vogue magazine para sa November issue nito.

Si Rich Paul ay kilalang sports agent at founder ng Klutch Sports Group. Noong Hulyo umingay ang espekulasyon na nasa dating stage na sila, bagama't matagal na silang magkakilala. nakita kasi silang magkasama at magkatabi ng upuan sa panonood ng NBA Finals.

Aniya, wala na rin silang pakialam kung ano ang iisipin ng mga tao sa kanila kapag magkasama sila sa labas.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I did date before Rich, but they hated it. They’d find it stressful being out or seen with me, which meant that I guarded all of it beyond. It never evolved because we were never experiencing things together. Whereas he’s not frazzled by it at all. It feels like it’s consistent and considerate enough that I don’t care who knows," pahayag ni Adele.

“He’s great. He’s so fucking funny. He’s so smart, you know.”

Bukod sa pakikipagrelasyon kay Paul, napag-usapan din sa naturang panayam ang tungkol sa diborsyo nila ng unang mister na si Simon Konecki at ang kaniyang bagong album.