Nagbigay ng reaksiyon si Unkabogable Star Vice Ganda sa mungkahi ng isang netizen patungkol sa mini game na “You Gotta Lyric.”
Ang “You Gotta Lyric” ay bahagi ng segment ng “Laro Laro Pick” sa naturang noontime show. Sa larong ito, magpapaunahan ang players na mag-isip ng isang kantang binabanggit ang salitang ibinigay ng host.
Sey kasi ng netizen, “Maganda naman yung bagong you gotta lyric, very fitting na yung name sa rule. Siguro suggestion ko is buzzer (kung may budget).”
“Yun lang talaga ang kulang. Buuuuzzzzzeeeeerrrrr!!!! Kaya lang wala na po kaming budget. Sagad na talaga. Pagdamutan nyo po muna ang kaya ng production. Babawi na lng kmi sa patawa,” sagot naman ni Vice Ganda sa kaniyang X post noong Lunes, Mayo 4.
Dagdag pa niya,”Alam kong di nyo masyado bet ung “taas ng kamay” part sa U Gotta Lyric”. Di ko din bet yun. Pagpasensyahan nyo na po ang kakulangan namin ngayon sa budget.”
Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"oh so nagcost cutting sila sa band ng Six Part Invention"
"Bawasan po ang host or kung di kayang bawasan eh schedule sila ng pasok kase ma iintidihan naman siguro nila ang sitwasyon."
"Bawing bawi naman kayo sa patawa basta andyan ka sa segment na yan Meme. Wag na magaabsent please, kelangan namin ng marami raming tawa sa hirap ng layf ngayon"
"sobra ung aliw factor na dala ng laro laro pick kasi kahit kaming manonood lang super excited sumagot. pls know na kahit ano lang ung kaya nyong maprovide, mas dama namin ung genuine heart nyo para mapasaya kami na madlang people "
"pakisabihan nalang ang mga nasa taas ng abs cbn na instead na kumuha at magpasweldo ng mga dds artists is ibigay sa ibang programa nila na need ng dagdag budget"
"Okay naman siya Meme.. Medyo mahirap lang talaga malaman kung sino ang nauna kung pagtaas ng kamay ang basehan.."
"No worries Meme. Sa mga kahon na lng po ulit sila tapos ilaw-minate randomly nlng para malaman kung sinong sasagot. Para may “swertehan” factor pa rin. "