ILOILO CITY – Naging matumal ang negosyo sa Boracay Island sa Malay, Aklan nitong Setyembre nang umabot lamang sa 6,702 na turista ang bumisita sa lugar dahil na rin sa pandemya.
Sa datosng Boracay field office ng Department of Tourism (DOT-Boracay), karamihan sa domestic tourists ay nanggaling pa sa Metro Manila sa naitalang4,614.
Matatandaangpansamantalang ipinagbawal ang pagpasok ng mga turista sa isla nitong Agosto 1 nang isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Aklan matapos tumaas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 cases nitong Hulyo.
Ipinagbabawal ang travel leisure kapag isinailalim sa MECQ ang isang lugar
Naitala ng DOT ang 35,108 na turista na namasyal sa isla nitong nakaraang Hulyo, ang pinakamalaking bilang mula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa.
Tara Yap