Isang lalaking big-time drug pusher ang nadakip ng mga awtoridad matapos masamsaman ng₱34 milyong iligal na droga sa ikinasang isang buy-bust operation sa Parañaque City, nitong Oktubre 7.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Vicente Danao Jr. Ang suspek na siKeneth Vito Cruz, 32, at taga-nasabi ring lungsod.

Inaresto ito ng mga awtoridad sa11-325 Fountain Breeze, Lombos Ave., Brgy. San Isidro Sucat, dakong 8:45 ng gabi.

Nasabat sa kanya ang limang kilo ng iligal na droga na aabot sa₱34 milyon, marked money at cellphone.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kakasuhan si Cruz ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dagdag pa ng pulisya.

Bella Gamotea