Posible umanong pagsapit ng katapusan ng Oktubre ay umabot na lamang sa halos 1,000 ang maitatalang COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).
Sa ulat ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na sa ngayon ay bumaba pa sa 0.67 na lamang ang reproduction number ng COVID-19 sa rehiyon, mula sa dating 0.88 noong nakaraang linggo.
Ang reproduction number ay yaong bilang ng mga tao na maaaring ihawa ng isang pasyente ng virus.Ayon sa mga eksperto, ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon na bumabagal na ang transmission o hawahan ng virus.
Ipinaliwanag ng OCTA, ang seven-day average sa NCR ay bumaba na rin sa 2,642 na lamang o 32% na pagbaba, habang ang positivity rate naman ay nasa 14% na lamang.
“Based on current trends, the NCR could have 1,500 to below 1,000 new cases per day by end of October,” tweet pa ni David.
Mary Ann Santiago