Humingi ng paumanhin ang Kapamilya young singer na si Darren Espanto sa Kapamilya fans dahil sa naging pagkakamali niya sa naging song and dance number niya sa 'ASAP Natin 'To' nitong Oktubre 4, 2021.

Makikita sa mga kumakalat na video na tila hindi kabisado ni Darren ang ilan sa mga lyrics ng kaniyang inaawit; nagkataon pang nagloko ang kanilang teleprompter kaya idinaan na lamang niya sa paghataw o pagsayaw ang kaniyang performance.

Dinepensahan naman siya ng kasamahan sa ASAP Natin 'To na si Divine Diva Zsa Zsa Padilla. Ipinaliwanag ni Zsa Zsa na magkasama sana dapat sina Darren at Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa naturang performance, subalit biglaang umabsent si Gary V nang araw na iyon. Nagloko pa raw ang teleprompter.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Image
Screenshot mula sa Twitter/Darren Espanto

Kaya naman sa kaniyang tweet nitong Oktubre 3: "A lesson that I learned today: DON’T RELY ON TELEPROMPTERS."

Screenshot mula sa Twitter/Darren Espanto

Masaya rin umano si Darren dahil sa comforting words na nakuha niya sa management.

"It wasn’t your fault” were the most comforting words I heard today from my bosses at ASAP. Smiling face with open mouth and cold sweat Love you ASAP Fam!"

Screenshot mula sa Twitter/Darren Espanto

Image
Screenshot mula sa Twitter/Darren Espanto

Image
Screenshot mula sa Twitter/Darren Espanto

Bumuhos naman ang comforting words at pagbati mula sa mga netizens dahil naging professional umano si Darren; 'the show must go on' pa rin kumbaga.

Hindi naman siya ang unang beses na artist na nagkamali sa isang live show. Maging sina Popstar Royalty Sarah Geronimo at si Asia's Songbird Regine Velasquez ay nakaranas na rin nito.