'Legit Dabarkads' na nga ang tinaguriang 'Queen of the Dancefloor' na si Maja Salvador, matapos siyang i-welcome sa 'Eat Bulaga' nitong Sabado, Oktubre 2. 

Trending pa sa Twitter ang hashtag na #MajaForEatBulaga, matapos siyang i-welcome ng mga Dabarkads hosts na sina Ryan Agoncillo at Jose Manalo. 

Maja Salvador/Larawan mula sa FB/Eat Bulaga

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Siya na nga ang tampok sa pinakabagong segment ng EB na 'Maximum Sayawan' kung saan may pa-guessing game pa ang mga hosts kung sino ang MAhusay na pag-arte at MAgaling sa hatawang aktres na makakasama na nila. 

Obserbasyon ng mga Kapuso at Dabarkads audience, mukhang komportable naman si Maja na makasama ang EB hosts, lalo't ang ilan sa kanila ay nakakatrabaho na niya. Kasama niya sa POPinoy sa TV5 sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza. 

Samantala, ibinahagi naman niya sa IG story niya ang note na ibinagay sa kaniya nina Johnny 'Mr. M' Manahan at Mariolle Alberto na pareho nang nasa GMA Artist Center.

Image
Larawan mula sa IG/Maja Salvador

Hindi pa ganap na Kapuso si Maja dahil isa siyang freelance artist ngayon, matapos niyang kumalas sa Star Magic at umalis sa ABS-CBN. Sa kasalukuyan ay nagtayo siya ng sariling talent management, ang Crown Artist Management, na siyang namamahala ngayon kay John Lloyd Cruz. 

Dati na rin siyang naging guest co-host sa katapat na noontime show ng EB na 'It's Showtime.'

Mapapanood pa rin si Maja sa kaniyang teleseryeng 'Niña Niño' sa TV5.