Sinupalpal ni Ellen Adarna ang isang basher na nagkomentong hindi na bagay sa fiance niyang si Derek Ramsay na magpa-cute-cute dahil gurang na ito, o matanda na. Tinawag pa itong kalbo.

Sa kaniyang Instagram, matapang na sinabi ng basher na "Tanda na, 'di na bagay sa'yo pa-cute, kalbo."

Birada ni Ellen, "Mukha ka rin naman matanda, ah… 'Di na rin bagay sa'yo makialam and humanash. Bakit, cute ka? Ganda ka?"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Derek Ramsay (Larawan mula sa IG/Ellen Adarna)

Bagama't wala pang kumpirmasyon, napababalita na ang nalalapit na kasalan ng dalawa matapos ang ilang buwang pag-amin na sila na, noong Pebrero 2021. Marso 2021 naman ang kanilang naging engagement.