Isang cargo vessel ang tumaob nitong Sabado ng madaling araw, Setyembre 25, sa pantalan ng Ormoc.

Sa eyewitness account ng isang residente na si Abigail Boze, isang babaeng crew ang missing habang nailigtas ang 15 iba pa matapos mabilis na tumaob ang MV Ferry Lite 3 vessel.

Larawan ng tumaob na MV Ferry Lite 3 (Abigail Boze/via Facebook)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Galing sa Oauno Wharf, Mandaue City, Cebu ang vessel na tumaob ilang sandali lang matapos marating ang pantalan ng Ormoc.

Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation sa missing female crew sa pangunguna ng Philippine Coast Guard.

Larawan ng tumaob na MV Ferry Lite 3 (Abigail Boze/via Facebook)

Samantala, hindi pa rin malinaw ang maaaring sanhi ng pagtaob ng vessel.