Muling ikinasal ang Kapamilya actor na si JC De Vera---pero hindi sa ibang babae, kundi sa kaniyang misis na si Rikkah Cruz, sa isang church wedding.

Matagal na umano nilang naiplano ang pagpapakasal sa simbahan, subalit hindi matuloy-tuloy dahil nga sa pandemya.

Makikita sa Instagram posts ni JC ang ilang kuhang litrato nila; suot ng aktor ay white suit na likha ni Paul Cabral habang ang kaniyang misis na bride ay creation naman ni Francis Libiran ang ibinida.

Atty. Kiko sa pagiging queer ni Miel: 'You just have to accept'

JC De Vera/Larawan mula sa IG//JC De Vera

Rikkah Cruz-De Vera/Larawan mula sa IG//JC De Vera

Bagama't hindi nabanggit kung kailan at saan naganap ang kasal, sapantaha ng ilang mga netizens na naganap ang nasabing kasalan sa San Antonio De Padua Church, sa Silang, Cavite.

Pinasalamatan din ni JC ang in-demand celebrity event stylist and florist na si Gideon Hermosa para sa biglaang change venue pero glamorosa at bongga pa rin ang kinalabasan ng disenyo ng venue.

"You are our dream come true @gideonhermosa. We had to change venues at the last minute and he was given 10 days to plan and execute and 1 day for ocular. No presentations, no mood boards. Just a surprise Gideonized wedding. You are amazing," pasasalamat at papuri ni JC kay Gideon.

Larawan mula sa IG/JC De Vera

"Thank you for giving me your full trust! It was an unforgettable journey with you guys!" tugon naman ni Gideon, na siyang event stylist sa kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa Balesin noong Abril 20, 2018.

Inamin ni JC noong Marso 2021 na ikinasal na sila ng kaniyang nobyang si Rikkah noon pang 2018, sa isang civil wedding. Malaki na rin ang anak nilang 3 years old na si Lana Athena.

“Kailangan yung church. Hindi ko talaga siya totally nada-digest na hanggang dun lang kami sa civil wedding. Gusto talaga namin sa church, kaya parang yung civil wedding, alam namin na parang dumaan lang," ani JC sa naging panayam sa kaniya ni Erich Gonzales sa vlog nito, na kasama niya sa teleseryeng 'La Vida Lena.'