Mukhang may bagong tahanan na naman ang ilang mga ABS-CBN shows, matapos ang partnership sa A2Z Channel 11 at TV5.

Inanunsyo sa Facebook page ng Tacloban-based station na 'PRTV', na pagmamay-ari ni Congressman Ferdinand Martin Romualdez, na eere sa kanilang estasyon ang mga Kapamilya shows na 'Hoy, Love You', 'Huwag Kang Mangamba', 'Marry Me Marry You', 'La Vida Lena', 'FPJ’s Ang Probinsyano', 'It’s Showtime,' at iba pa.

Larawan mula sa FB/PRTV Tacloban

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Larawan mula sa FB/PRTV Tacloban

Larawan mula sa FB/PRTV Tacloban

Larawan mula sa FB/PRTV Tacloban

Larawan mula sa FB/PRTV Tacloban

Larawan mula sa FB/PRTV Tacloban

Larawan mula sa FB/PRTV Tacloban

Subalit maraming netizens ang nagtataas ng kilay dahil isa si Romualdez sa mga kongresistang pumabor na huwag bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN noong 2020.

Dahil dito, hindi makapag-broadcast ang Kapamilya network nationwide; gayunman, nagawan naman nila nang paraan na maihatid pa rin ang mga shows nila, sa pamamagitan ng iba' ibang platforms: sa free tv, cable, at online world.