'Tinalakan' ni self-proclaimed na Queen SawsaweRRa na si RR Enriquez ang mga bashers na patuloy na nagka-'cancelledt' kina Toni Gonzaga at dating senador Bongbong Marcos dahil sa panayam nito sa 'ToniTalks' noong Setyembre 14, 2021.

"Grabe din talaga ang mga bashers no? Imagine Toni Gonzaga na 'yan. Isa sa iisipin mong matino, may magandang moral values, magaling na host naba-bash pa. Ako pa kaya na tae-tae lang? Kaya pasok bashers," ani RR sa kaniyang matapang na Instagram post nitong Setyembre 17.

"My opinion? So what if she interviewed Mr. Bongbong Marcos? Ang lagay ba dapat yung gusto n'yo lang ang dapat interviewhin? That is her own vlog show, so malamang igi-guest niya kung sino man ang gusto niyang i-guest. Hindi yung gusto n'yo lang. Eh di sana kayo na lang ang nag-host? Or bakit hindi na lang kayo gumawa ng sarili n'yong vlog?"

Sinabihan niya ang mga bashers na galit na galit sila sa diktador, subalit sila mismo ang diktador.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"My question is wala bang karapatan mag-explain, magpakilala at ipagtanggol ni Mr. Bongbong Marcos ang kanyang ama? Pilit n'yong sinasabi na Diktador ang Marcoses pero parang kayo ang DIKTADOR."

Sinabi ni RR na wala pa siya sa panahon ng pamumuno ng mga Marcoses, subalit ang tatay at lola niya mismo ay labis ang pagmamahal sa dating pangulo. Nawa raw ay matuto nang magpatawad ang lahat at huwag na masyadong balikan ang nakaraan, at baka ito na umano ang susi upang makaahon ang bansa. Ang saklap umano na puro galit at poot ang itinatanim sa mga puso ng mga magulang o nakatatanda, sa henerasyon ngayon.

"Basta ako ang paniniwala ko… God is in control of everything! He has the last say pa rin. Hindi natin kailangan mag-away- away or magtalo-talo. Nagki-create lang talaga ng division 'yan," ayon pa sa kaniya.

"Malapit na ang Elections. We need more prayers, but again, always believe that God is in control of everything," dagdag pa niya.

Larawan mula sa IG/RR Enriquez

Larawan mula sa IG/RR Enriquez

Larawan mula sa IG/RR Enriquez

Larawan mula sa IG/RR Enriquez

Hilig talagang 'makisawsaw' ni RR sa ilang mga isyu. Isa sa mga pinag-usapan ay ang 'pakikisawsaw' niya sa naging paliwanag ni Paolo Contis sa kanilang paghihiwalay ni LJ Reyes.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/11/rr-enriquez-sumawsaw-kaming-mga-babae-hindi-sumasama-sa-lalaki-mag-isa-as-a-friend-lalo-ang-layo-ng-bibiyahihin-namin/

Si RR Enriquez, o Romyreen Enriquez, ay isang dancer, model, at television personality.

Isa siya sa mga naging dancers ng variety and game show ng ABS-CBN noon na ‘Wowowee’ at pagkaraan ay naging co-host nina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang. Kabilang din siya noon sa defunct comedy show na ‘Banana Split.’