Tuwang-tuwa ang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa bagong tambalan nina Heaven Peralejo at Gino Roque, na bibida sa romantic comedy series na 'Pasabuy' na mapapanood sa WeTV.

Makikita sa Instagram post ni Manay Lolit noong Setyembre 14 na excited siyang mapanood ang serye nina Heaven at Gino. Kung tutuusin umano ay 'good catch' si Gino. na isang heredero ng clothing line, isang coffee shop, at hotel na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya. Bukod dito, nakapagtapos din ito sa kolehiyo.

"Excited naman ako sa seryeng Pasabuy ang title Salve na ilalabas sa WeTV. Kasi nga bida dito si Gino Roque, anak nila Gunn at Cris Roque ng Kamiseta Apparel, Skin, Vanilla Coffee Shop at Kamiseta Hotel. College graduate si Gino Roque, at training siya to take over sa business ng family niya," ani Manay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Heaven Peralejo at Gino Roque (Larawan mula sa IG/Lolit Solis)

Heaven Peralejo at Gino Roque (Larawan mula sa IG/Lolit Solis)

Kahit na sadyang hinulma si Gino para sa business world, hindi umano siya pinigilan ng mga magulang nang pasukin nito ang showbiz.

"Pero talagang bata pa medyo excited na ma-experience ang showbiz kaya naman hindi pinigilan ng mga magulang. Meron naman fallback pag na feel niya na hindi pala para sa kanya ang showbiz world."

Kung tutuusin daw, puwedeng-puwedeng sumikat nang husto si Gino dahil mabait, magalang at may looks ito na bagay na bagay sa showbiz. Hangad niya na mag-click ang bagong tambalang ito.

"Mabait at magalang na bata na kung siguro mabibigyan ng magagandang project puwede nang sumabay sa mga nauna na nag artista sa kanya dahil he has the look naman at physique na pang showbiz. Sana nga mag-click itong Pasabuy nila ni Heaven Peralejo para naman maging masaya ang mga kapatid ni Gino Roque who is cheering him on na matupad ang kanyang showbiz dream."

Heaven Peralejo – Manila Bulletin
Heaven Peralejo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

EXCLUSIVE: Celebs and their 'must-see' travel destinations – Manila Bulletin
Gino Roque (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Sa comment section, agad na nagpasalamat naman si Gino kay Manay Lolit. "Salamat po", aniya, na may kasamang smiling face emoji.

Mukhang maganda umano ang on-screen chemistry nina Heaven Peralejo at Gino Roque na kitang-kita pa lamang sa kanilang mga litrato sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/16/heaven-peralejo-at-gino-roque-maganda-ang-chemistry-posible-bang-maging-sila/

Maraming netizens umano ang kinilig nang makita silang dalawa sa IG live para sa promotion ng kanilang pagtatambalang rom-com series. Parehong produkto sa reality show na “Pinoy Big Brother” o PBB subalit magkaiba ng batch. Si Heaven ay pumasok bilang teen housemate sa PBB: Lucky 7 noong 2016 at si Gino naman ay bilang adult housemate sa PBB Otso noong 2018.