Balik-aksyon ang mga koponan ng Meralco at Alaska matapos bigyan ng clearance para muling makalaro sa ginaganap na 2021 PBA Philippine Cup sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.
Parehas na sumailalim sa health at safety protocols ang Bolts at Aces noong nakaraang linggo kung kaya 'di sila nakalaro noong nakaraang Setyembre 8-12.
Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto na hawak ang kartadang 5-2, nakatakdang sumabak ang Meralco kontra Terrafirma sa Huwebes, dakong 2:00 ng hapon habang lalaro kinabukasan, Biyernes, Setyembre 17 ang Alaska ganap na 6:00 ng gabi kontra Ginebra.Parehas naman silang lalaro sa Sabado, Setyembre 18 kung saan lalabanan ng Bolts ang Blackwater habang haharapin naman ng Aces na nasa 11th spot ng standing sa taglay nitong 2-4 na marka ang TNT.
Marivic Awitan