Nag-umpisa ang pagkakaibigan ng South Korea at Pilipinas noong nakiisa ang mga sundalong Pilipino sa pagdepensa ng South Korea laban sa agresyon ng North Korea. Noong 1950 ay nagpadala ang Gobyerno ng Pilipinas ng 7,420 sundalong Pilipino sa Korea sa ilalim ng Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK). Simula noon ay “blood brothers” na ang turingan ng dalawang bansa.

The 6th ASEAN Connectivity Forum

Ang Korea ang ika-limang pinakamalaking Official Development Assistance (ODA) partner ng Pilipinas. Nagbigay ito ng loan at grant commitments na aabot sa $679.65 milyon hanggang June 2020. Sa ODA grants, ika-siyam ang Korea sa pinakamalaking naibigay na aabot sa $47.88 milyon hanggang June 2020. Nangako rin ito ng mga ODA loan sa Pilipinas sa halagang $631.77 milyon sa pamamagitan ng Korea Export Import Bank- Economic Development Cooperation Fund (KEXIM-EDCF).

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Noong 2020 ay nilagdaan ng Pilipinas at KEXIM ang $50 milyon loan agreement para sa Philippines-Korea Project Preparation Facility (PKPPF), na magsasagawa ng mga feasibility study at iba pang mga preparasyon na kailangan para mapabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build.”

Nagpahayag din ng interes ang Korea sa posibilidad na magbigay ng suporta para sa pagpopondo sa 32-kilometrong Panay-Guimaras-Negros Bridge Project sa Western Visayas.

Ito ang mga proyekto ng “Build, Build, Build” na pinondohan sa pamamagitan ng mga loan agreement sa South Korea:

1. Panguil Bay Bridge Project

Ito ang pinakamalaking proyektong pang-imprastraktura sa Northern Mindanao. Ang 3.17-kilometro na Panguil Bay Bridge ay parte ng Mega Bridge Masterplan na naglalayong pagdugtungin ang Luzon, Visayas at Mindanao.

Ikokonekta ng Panguil Bay Bridge ang Lungsod ng Tangub sa Misamis Occidental sa Munisipyo ng Tubod sa Lanao del Norte. Dahil dito ay pitong minuto na lang ang magiging travel time sa pagitan ng dalawang bayan, kumpara sa 1.5 hanggang 2.5 na oras na aabutin kung dadaan sa 100-kilometrong ruta na Tangub- Molave-Tubod Road o sa pamamagitan ng Tangub-Kapatagan-Tubod Road.

2. Samar Pacific Coastal Road Project

Ito ang magdurugtong sa tinatawag na “Pacific towns” ng Northern Samar. Ito ay binubuo ng 11.6-kilometrong kalsada mula sa Junction Simora hanggang sa Junction Palapag sa bayan ng Palapag na may tatlong bahagi ng tulay—Simora, Jangtud 1, at Jangtud 2 Bridges.

Kapag ito ay natapos, magiging konektado na ang Taft, Eastern Samar at mga coastal municipality ng Northern Samar sa Catarman, ang kapitolyo ng probinsya. Hindi na kailangan pang dumaan sa isla ng Laoang, na mapupuntahan lamang sa pamamagitan ng maliliit na bangka.

3. Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation (IDRR-CCA) Measures in Low-lying Areas of Pampanga Bay

Layon ng proyektong ito ang pagsasaayos ng pag-agos ng tubig sa river channel network ng Pampanga upang mabawasan ang taas at tagal ng pagbabaha sa mga bayan ng Macabebe, Masantol, Minalin, at Sto. Tomas.

Kasama rito ang paghuhukay, dredging at embankment ng ilog, at pagtatayo ng tatlong bagong tulay at limang footbridge. Walong mga sluice gate at 164 na mga fish gate din ang itatayo bilang karagdagang hakbang sa pagkontrol sa baha.

4. Updating of Master Plan, Feasibility Study and Detailed Engineering Design of Flood Control for BAPP Rivers

Sa ilalim ng PKPPF Output 2, isasagawa ang pag-update ng master plan, feasibility study, at detailed engineering design para sa prayoridad na apat na pangunahing river basins sa bansa—Bicol River, Agusan River, Panay River, at Pampanga River (BAPP Rivers).

Ang pag-update ng master plan at ang feasibility study ay inaasahang makatutukoy sa mga kinakailangang flood control infrastructure sa BAPP Rivers base sa pang-ekonomiya, pangkapaligiran at panlipunang epekto. Ang mga natukoy na pangunahing proyekto ay sasailalim sa detailed engineering design.