Malagim ang sinapit ng dalawang magkapatid na bata, edad 15- at 16-taong gulang, matapos pagsasaksakin ng sariling amain sa Barangay Barayong, Palo, Leyte nitong Sabado, Setyembre 11.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang kanilang ina na si Joselyn Rosilio, 33 at ang kapatid nilang 9-buwang-gulang na sanggol.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang sariling suspek sa krimen ang kinakasama ni Joselyn na si Guillermo Latore, 33.

Napag-alamang alitan sa pera ang naging ugat ng malagim na pananaksak.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Patuloy pa rin ang manhunt operation ng mga awtoridad kay Latore.

Samantala, kritikal ngayon ang kalagayan ng mag-ina saEastern Visayas Regional Medical Center(EVRMC), kung saan naunang idineklarang dead on arrival ang magkapatid.