Nabad-trip umano si Annabelle Rama sa isang salon owner sa Las Piñas City dahil sa paglabag nito sa quarantine protocols, gaya ng pagbabawal na magsagawa ng gathering kagaya ng party.

Nawindang si Annabelle nang makita niyang may pa-event ang salon owner na ito sa mismong salon nito, na dinaluhan ng mahigit 15 katao.

Larawan mula sa IG/Annabelle Rama

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dahil kilalang taklesa at palaban, agad na sinita umano ni Annabelle ang salon owner kung bakit bukas sila gayong ang iba namang salon at barber shops ay sarado dahil nga MECQ.

Sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine, hindi pa maaaring mag-operate ang mga personal care establishments gaya ng mga salon.

“Nakakaloka ‘yung owner ng salon. Gumagawa ng kwento. Sinisigawan at inaaway ko raw siya. Hoy, dai! Baka ikaw ang sira ulo. Papano kita sisigawan at aawayin ng walang dahilan?” ani Annabelle sa kaniyang Instagram post, na ngayon ay burado na.

“Masama bang magtanong? Tinatanong lang kita bakit kayo gumagawa ng event at bakit gumagawa kayo ng lahat ng services sa salon,” dagdag pa ng dating aktres.

Hindi umano siya sinasagot nito nang maayos, at tinatanong pa nito kung sino siya.

“Sabi ko concern lang ako dahil meron kang customers sa salon na kakilala ko. I asked you sa text na pag magka-COVID ang isa dyan, ikaw ba ang magbabayad sa hospital? Ang sagot mo ay vaccinated lahat at pina-swab test mo silang lahat,” patuloy niya.

Larawan mula sa IG/Annabelle Rama

Banat pa niya, “Ginulo mo ang buhay ko. Lumaki ang gulo dahil sa pagka-liar mo. Alam mo dai, ‘wag mo akong gawing tanga at sira ulo. Nang-aaway at nagsisisigaw na walang dahilan. Bwiiiisiiiitttt! Sinira mo ang araw ko,” beast mode na wika pa ni Annabelle na ina nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.