May espesyal na shout out si KC Concepcion sa kaniyang 'special friend' na si apl.de.ap, at sa isa pang kaibigang Filipino-Canadian chef na si Jordan Andino, sa kaniyang Instagram post nitong Setyembre 4.

"My homeboys!!! The coolest peeps I can ask for. Thank you for always inspiring me and helping me make America feel like home. Love you both so much!!!" pahayag ni KC sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa ngayon ay nasa Amerika si KC at wala pang nababanggit ang panganay ni Sharon Cuneta kung kailan siya babalik sa Pilipinas. Mukhang magtatagal pa siya roon dahil naghahanap siya ng mauupahang apartment sa West Hollywood, California.

Samantala, matagal nang nauugnay si KC kay Apl.de.ap. Wala naman silang inaamin at itinatanggi sa estado ng kanilang relasyon.

Noong 2013, napabalitang nililigawan ng international singer si KC subalit ayaw umano nila sa LDR o long distance relationship.

Did KC Concepcion and Apl.de.Ap celebrate New Year's Eve together? – Manila  Bulletin
apl.de.ap at KC Concepcion (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Nitong Marso 2020 naman, muling nanumbalik ang isyung may 'something' silang dalawa na higit pa sa magkaibigan, nang maispatan silang magkasama sa Maynila.