Inamin ni Angel Locsin na noong nagsisimula pa lamang siyang pasukin ang mundo ng showbiz, isa sa mga kasabayan niya sa auditions noon na nakapagpa-intimidate sa kaniya ay ang model-actress na si Solenn Heussaff. Bukod doon, na-bully rin siya.

Sa podcast ni Matteo Guidicelli na "MattRuns" Episode 10, ikinuwento ni Angel ang tunay na dahilan kung bakit siya pumasok sa showbiz. Aniya, mahilig talaga siyang mag-audition noon para sa mga TV commercials. Kailangan umano niya ng 'raket' upang maipagamot ang mata ng kaniyang amang si Angelo Colmenares. Aminadong isa siyang 'certified rakitera.'

Screenshot mula sa YT/Sarah Geronimo Channel

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Hanggang sa isang araw umano, sinamahan niy ang isang kakilala sa isang audition. Tutal ay naroon na rin naman umano siya, sinubok na rin niya kung papalarin siyang matanggap. Kuwento pa niya, nakasumbrero, naka-backpack, at nakapang-wrestling na T-shirt lamang siya noon, dahil iyon pa ang uso dati. Kahit na ganoon, tiwala naman umano siya sa kaniyang sarili noon, subalit alam niyang mas marami pa ang magaganda sa kaniya. Isa na roon si Solenn.

Nang mga panahong iyon ay hulas na hulas raw siya dahil nagko-commute lamang siya. Kapag nakikita na niya umano si Solenn, parang gusto na niyang umatras at umuwi na lamang. Gandang-ganda siya kay Solenn at talaga namang nakaka-intimidate umano.

Lumipas ang maraming taon at parehong nagkaroon ng lugar sa mundo ng showbiz sina Angel at Solenn. Sa katunayan, naging A-lister pa ng GMA Network si Angel, bago ito lumipat sa ABS-CBN noong 2007. Si Solenn naman ay nananatiling Kapuso mula noon hanggang ngayon.

Minsan umano ay kinausap ni Angel si Solenn tungkol dito. Hindi na umano siya natatandaan ni Solenn at natatawa na lamang.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Hindi umano naging madali ang buhay sa showbiz dahil naranasan niya umano ang pambubully at pangmamaliit. Kaya naman, binigyan niya ng dalawang taong palugit ang kaniyang sarili sa showbiz. Aniya, gagawin lamang niya ito para sa pampaopera ng mata ng kaniyang ama.

Subalit nang makaipon na nang malaki, tila bumagsak ang langit kay Angel nang sinabihan siya ng mga espesyalista na hindi na pwedeng operahan ang kanyang ama. Dinamdam daw niya ito nang husto. Hindi raw niya alam kung ano pa ba ang purpose ng kaniyang pagsusumikap.

Sa kabila nito, naisip niya na huwag sayangin ang pagkakataon dahil naroon na siya, at hindi lamang siya naroon, kung hindi sikat na sikat at kinikilala ang husay sa pagganap. Hinamon niya umano ang kaniyang sarili na ipakita pa ang kaniyang mga talento at kakayahan.

"Tapos tanggap lang ako nang tanggap ng trabaho. Hanggang sa nakakita ako ng magagaling na artista, yung mga senior actors natin, na-impress ako doon sa passion nila,” kuwento pa ni Angel.

Bagama't sa ngayon ay lie-low muna si Angel dahil kakakasal lamang niya, nananatili siyang isang Kapamilya at ineenjoy muna ang buhay may-asawa sa piling ng mister na si Neil Arce.

Ang huling teleserye ni Angel ay ang action series na "The General's Daughter" sa ABS-CBN, at ang socially-relevant show na "Iba 'Yan" bilang isang host.