Ikinasal na sina Maguindanao Second District Representative Esmael 'Toto' Mangudadatu at Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel nitong Miyerkules, Agosto 25, bandang 10:00 ng umaga sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City.

Unang inihayag ang anunsyo ng kanilang pag-iisang dibdib sa Facebook page ng National Commission on Muslim Filipinos, Bureau of External Relations noong Sabado, August 21. Tinawag itong “Walima Celebration” o isang uri ng seremonya pagdedeklara sa publiko ng isang nakatakdang Islam wedding.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/23/toto-mangudadatu-tutuldukan-na-ang-kabit-serye-pakakasalan-na-si-sharifa-akeel/">https://balita.net.ph/2021/08/23/toto-mangudadatu-tutuldukan-na-ang-kabit-serye-pakakasalan-na-si-sharifa-akeel/

Sa kaniyang Facebook post, nagbigay ng kaniyang makabagbag-damdaming mensahe si Sharifa para sa kaniyang asawang si Toto. Tinawag na niya itong 'Husband.'

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"The road that led me to you was not easy. No matter how hard I tried to fight it, no matter how much others wanted to fight it, fate wanted us to be together. When I realized and then accepted that, love and happiness filled my life, and I realized that YOU, who has been there for the past 6 years, was all that I was missing. I am excited to take on this new adventure, this new phase in my life, because I will be going on it with you, Husband," ani Sharifa.

Isinalaysay rin niya ang kanilang namuong love story. Aniya, niligawan siya ni Toto 6 years ago.

"Editing for those who are asking. Yes, it was 6 years ago when we first met and yes, nanligaw siya sa akin noon. No, wala pa po kaming relasyon noon. No, hindi ko pa siya sinagot. And yes, hindi sya tumigil ng pagpapakita ng love niya sa akin. He has been there for me without asking for anything in return. I did not return his affection then," aniya.

"But this year, we were brought closer together by circumstances that were out of our control and this year has taught me, na siya na lang pala ang kulang sa buhay ko. Hindi kami hahantong dito kung hindi siya nagtiyagang maghintay na ibalik ko ang pagmamahal na binibigay niya sa akin noon pa man. Kahit inabot na ng ilang taon bago ko pa marealize ito," dagdag pa niya.

Larawan mula sa FB/Sharifa Akeel

May be an image of 2 people, people standing and headscarf
Larawan mula sa FB/Sharifa Akeel

May be an image of 2 people, people standing and headscarf
Larawan mula sa FB/Sharifa Akeel

May be an image of 2 people and people standing
Larawan mula sa FB/Sharifa Akeel

May be an image of 2 people, people standing, headscarf and indoor
Larawan mula sa FB/Sharifa Akeel

May be an image of 2 people, people standing, headscarf and indoor
Larawan mula sa FB/Sharifa Akeel

May be an image of 1 person and indoor
Larawan mula sa FB/Sharifa Akeel

May be an image of 1 person, standing, headscarf and indoor
Larawan mula sa FB/Sharifa Akeel

Si Sharifa, na tubong Sultan Kudarat sa Mindanay, ay half Filipino half Qatari at kinoronahan bilang Miss Asia Pacific International noong 2018. Si Congressman Mangudadatu naman ay isang beteranong pulitiko sa Maguindanao.

Naging kontrobersyal ang relasyon nilang dalawa dahil sa alegasyon ng isa sa mga misis ni Toto na si Mylene Mangudadatu hinggil sa kanilang secret affair, na ilang beses na itinanggi ni Sharifa. Naitampok pa ang isyu nila sa programa ni Raffy Tulfo sa TV5. Ang ending, may relasyon naman pala talaga sina Toto at Sharifa, at ngayon nga ay kasal na sila.

Sa Islam, ang mga lalaking Muslim ay pinapayagang makapag-asawa hanggang apat na beses. Hindi pa malinaw kung pang-ilan si Sharifa sa mga legal na asawa ni Cong. Toto.