Napa-wow ang netizens sa larawan ng aktor na si Wendell Ramos, na nagdiwang ng kaniyang 43rd birthday noong Agosto 18, na makikita sa kaniyang Instagram post.

Sa ibinahaging larawan, makikitang topless siya habang may bitbit na maliit na whiteboard na kinasusulatan ng kaniyang edad, at pahayag na "New journey! Better late than never!"

"I like writing my goals, my motivations, inspirations, exercises and all in this white board… and this has been with me for the longest time… It reminds me to grind daily, to keep moving forward and to tell myself it’s never too late… Grateful to God! Thank you lord for another year of existence," saad sa caption ni Wendell.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screenshot mula sa IG/Wendell Ramos

Marami sa netizens ang nakapansin na ang "sarap-sarap" pa rin ni Papa Wendell sa kaniyang edad, na para bang hindi tumatanda.

Sa kasalukuyan ay nasa GMA Kapuso Network si Wendell. Kabilang siya sa teleseryeng "Las Hermanas."

Nagsimula ang showbiz career ni Wendell noong 1995 bilang isa sa mga cast ng gag show na "Bubble Gang" kasama ang kaniyang long time bestfriend na si Antonio Aquitania.

Mula noon hanggang ngayon ay kinakikiligan pa rin si Wendell na itinuturing na isa sa mga "hot daddy" at matinee idol sa showbiz.