Nagkahiwalay na sina AJ Raval at ang kaniyang jowa na si Axel Torres na dating "Pinoy Big Brother" housemate, hindi dahil may third party, kung hindi dahil sa mga sexy roles na walang kiyemeng tinatanggap ni AJ.

Iyan ang inamin ng aktres sa digital media conference para sa bago niyang pelikula na "Taya."

Larawan mula sa IG/AJ Raval

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Larawan mula sa IG/AJ Raval

Larawan mula sa IG/Axel Torres

Hindi man lamang umano tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon. Pag-amin ni AJ, ang pagpapa-sexy niya sa mga proyekto ang pinakamatinding rason nang hiwalayan nila.

"Hindi po ako magsisinungaling. 'Yun po ang pinaka-reason. Gusto ko pong ipagpatuloy ang karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life," ani Raval. Pinagselosan umano ni Axel ang kasama niya sa pelikula na si Sean de Guzman.

Naiintindihan naman umano ni AJ ang nararamdaman ng kaniyang ex-jowa, lalo't hindi pa siya sumasabak sa pagpapa-sexy nang magsimula ang kanilang relasyon.

"Naiintindihan ko siya sa part niya. Kasi pumasok po kami sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista. Napaka-conservative ko po na babae na tao, hanggang sa nag-artista ako at parang doon ako nag-start magpa-sexy. So naiintindihan ko po siya sa part niya na hindi po niya ako ganoon na kilala kaya di po niya matanggap na ganito po ang career ko," kuwento ni Raval.

Si AJ ay anak ng action star na si Jeric Raval at dating sexy actress na si Alyssa Alvarez. Ang kaniyang buong pangalan ay Elizabeth Buensuceso. Ipinanganak siya noong Setyembre 30, 1995 sa Maynila. Siya ang pangalawa sa panganay sa kanilang magkakapatid. Nakatapos siya ng high school, at ayon sa kaniya, balak niyang magkolehiyo kapag natapos na ang pandemya.

Larawan mula sa IG/AJ Raval

Inamin na noon ni AJ na maging ang sariling ama ay tutol sa sexy roles na ginagawa niya, subalit iyan ang tinatahak ng kaniyang showbiz career ngayon upang mapansin.

Naging bahagi si AJ ng pelikulang "Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar" at ng teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano."