Bumalik na sa Kapamilya Network ang aktor na si John Estrada habang si Sid Lucero naman ay bumalik na sa Kapuso Network.

Bali-balitang isa sa mga pinakabagong karakter na papasok sa "FPJ's Ang Probinsyano" ang karakter ni John, kasama pa ang iba pang mga karakter gaya nina Julia Montes, Tommy Abuel, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, Joseph Marco, at Rosanna Roces.

How John Estrada maintains good relationship with his kids | Inquirer  Entertainment
Larawan mula sa IG/John Estrada

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Wala pang balita kung matutuloy ang season 3 ng sitcom na "John en Ellen" sa TV5 na kinabibilangan ni John, dahil nagkaproblema nga sila sa leading lady, matapos sabihin ni Ellen Adarna na hindi na siya tutuloy sa show.

Huling teleserye ni John sa Kapamilya Network ang "The Good Son" noong 2017 kasama sina Joshua Garcia, Eula Valdez, at Mylene Dizon bago siya lumipat sa Kapuso Network.

Samantala, kabilang naman si Sid Lucero sa teleseryeng "The World Between Us" nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez. Napabilang siya sa teleseryeng "A Soldier's Heart" sa Kapamilya Network noong 2020.

I'm not afraid to take a drug test' – Sid Lucero – Tempo – The Nation's  Fastest Growing Newspaper
Larawan mula sa Tempo

Aniya, sana raw ay maging Kapuso forever na siya.