Inamin ng social media influencer at mommy vlogger na si Via Austria o mas kilala bilang "Mommy V" na on the rocks ang relasyon nila ng kaniyang mister na si "Daddy Al Austria," sa kaniyang latest vlog na may pinamagatan niyang "CHANCE," na umere noong Agosto 20, 2021, na nasa 380,082 views na as of this writing, at naka-turn off naman ang comment section.

Mapapanood sa vlog na umiiyak si Mommy V habang nagkukuwento siya na umano'y may pinagdaraanan nga sila ni Daddy Al, isang family problem. Hindi niya ibinigay ang buong detalye ngunit aniya, inaayos na umano nila ni Daddy Al ang kanilang problema. Ibalato na lamang sa kanila.

Screenshot mula sa YT/Via Austria

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screenshot mula sa YT/Via Austria

"Gusto ko lang i-share ang nangyayari sa amin kasi may karapatan din naman kayong malaman dahil naging parte na kayo ng buhay namin, at naging parte na rin kami ng buhay ninyo," saad ni Mommy V habang tumutulo ang luha.

"Gusto ko lang mag-sorry kasi… nawala yung dating Mommy V… nawala yung simple at jolly na Mommy V, na na nakapokus lang sa bahay, sa pamilya… tinatanong ko nga rin minsan ang sarili ko, anong nangyari? Bakit parang hindi ako makontento sa kung anong meron ka ngayon? Siguro masyado lang akong na-overwhelm, sa mga natatanggap ko, sa mga nangyayari sa akin…" paliwanag pa niya.

Dumating umano sa punto na nakalimutan niya kung sino at ano ang kailangan niyang gawing priority, na dapat daw ay pamilya niya, lalo na sa asawa niya.

"Isang araw, bigla na lang akong tinapik ni Lord… sa isang maling desisyon, puwedeng mawala sa iyo lahat… puwedeng-puwedeng mawala sa iyo lahat… pero inaayos ko na, aayusin ko… kasi… mahal ko ang pamilya ko. Naligaw ako…" hindi na napigilan pa ni Mommy V ang pagbuhos ng emosyon sa bahaging ito ng kaniyang vlog.

Ipinangako niya sa kaniyang mga subscribers na unti-unti niyang ibabalik ang Mommy V na minahal nila. Nagpasalamat siya sa followers na nag-stay at piniling mag-stay upang suportahan siya. Marami umano ang nagpapadala ng mensahe ng pagsuporta sa kaniya.

Samantala, sa Instagram post naman ni Daddy Al ay mababasa ang iba't ibang mga parinig at patutsada sa hindi niya pinangalanang tao, na tinawag niyang "home wrecker."

"Don't ruin other people's happiness just because you can't find your own," saad niya sa isang IG story.

"Every coin has two sides, just like most people have two faces…" dagdag pa niya.

“Home wreckers don’t care if they wreck a relationship and they don’t care if they hurt you or your family. They don’t care about anyone else's happiness, they only care about themselves and their own happiness,” ayon pa sa My Story ni Al.

Screenshot mula sa IG/Al Austria

Screenshot mula sa IG/Al Austria

Screenshot mula sa TikTok/IG/Al Austria

Screenshot mula sa TikTok/IG/Al Austria

Screenshot mula sa TikTok/IG/Al Austria

Marami tuloy ang napapaisip na baka ang tinutukoy ni Daddy Al ay walang iba kung hindi ang aktor na si Eric Fructuoso, na ka-collab at "love team" ni Mommy V sa paggawa ng mga TikTok videos. Pinag-usapan din ang isang screenshot sa IG story ni Eric kung saan makikitang tila magkasama sila ni Via. Pamilyado na rin si Eric, sa katunayan, ikakasal na ang kaniyang anak na lalaki.

Screenshot mula sa IG/Eric Fructuoso

Si Eric ay sumikat noong 90s kasama sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana bilang grupong "Gwapings."

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Eric hinggil sa isyung idinadawit sa kaniya, kaugnay ng family problem nina Mommy V at Daddy Al.