Nakuha na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang bendisyon ng lokal na pamahalaan ng Pampanga na ilipat doon ang kanilang mga laro at ensayo para sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa susunod na buwan.

“We already have their verbal agreement. We’re now just waiting for the formal letter to proceed,” ayon kay PBA commissioner Willie Marcial.

“If we get the formal go-signal today or tomorrow, then we’re going to reopen the games by September 1,” dagdag nito.

Plano ng PBA na idaos ang kanilang mga aktibidad sa tatlong lugar sa Pampanga kung saan ang isa ay magsisilbing games venue. 

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Ayon kay Marcial at ng kanyang deputy na si Eric Castro, tinatarget ng  PBA ang mga lungsod ng San Fernando at Angeles kasama ang bayan ng Bacolor para magsilbing venues ng kanilang mga aktibidad.

Kaugnay ng banta ng Delta variant ng coronavirus, nagdagdag ng proteksiyon ang liga upang maipagpatuloy ang kanilang season.“It’s a bit more challenging. So we’re ramping up our testing scheme,” wika ni Marcial. “The testing cycle now will be every seven days with an additional antigen for each team that will play on that day.”

Kaugnay nito, napilitan na rin ang mga players na gumawa ng paraan upang maayos ang  mga kinakaharap na gusot na hindi na idinetalye ni Marcial.

“I’m just really grateful for the players’ concern,” sabi ni Marcial.

“They really intend to keep the games going.”Ayon naman kay Castro, may bagong sistemang susundin ang liga sa pagri-release ng schedules kada linggo kung saan tuwing Martes ito ilalabas.

Nakaka-dalawampu't anim na laro pa lamang ang PBA bago ito nahinto ngayong buwan.

Ang Magnolia Hotshots ang kasalukuyang namumuno sa standings hawak ang malinis na barahang 4-0, panalo-talo. 

Marivic Awitan