July 25, 2026

Home BALITA

9 monghe, patay nang araruhin ng truck na minaneho ng 11-anyos!

9 monghe, patay nang araruhin ng truck na minaneho ng 11-anyos!
Photo courtesy: Contributed photo

Siyam na mongheng buddhist ang nasawi matapos silang salpukin ng truck na minamaneho ng isang 11 taong gulang na batang lalaki sa Thailand noong Huwebes, Hulyo 2, 2026.

Ayon sa mga ulat, lima ang dead on the spot habang apat namang ang kalaunan ay nasawi rin sa ospital.

Batay sa mga ulat, 35 na monghe ang nakapilang naglalakad noong sa gilid ng kalsadsa ahabang limang deboto pa ang nakasunod sa kanila. 

Mapapanood sa kuha ng CCTV ang mabilis na pagsalpok ng truck sa mga monghe kung saan makikita ang pagtilapon nila sa kalsada.

Lumalabas sa imbestigasyon na itinakas lang umano ng suspek ang naturang truck hanggang sa nawalan siya ng control.

Grupo ng mga scientist, inalmahan ang Pax Silica

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nagpapagamot na rin dahil sa tinamo niyang pinsala bunsod ng pagkakabangga.

Patuloy din ang imbestigasyon ng mga awtoridad at napag-alamang nasa kustodiya na rin nila ang mga magulang ng biktima. Inaalam pa kung kapwa kakasuhan ang biktima o ang kaniyang mga magulang.

Samantala, sumailalim na sa forensic examination ang sasakyang ginamit ng bata.