July 25, 2026

Home BALITA Metro

QCPD, iniimbestigahan pulis na sangkot sa nag-viral na tensyon sa INC rally

QCPD, iniimbestigahan pulis na sangkot sa nag-viral na tensyon sa INC rally
Photo courtesy: Richard Pascual (FB)

Inanunsyo ng Quezon City Police District (QCPD) na iniimbestigahan na nila ang pulis sa nag-viral na komprontasyon sa pagitan ng isang naipit na ride-hailing app driver at raliyista sa ginanap na malawakang kilos-protesta ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument noong nakaraang Martes, Hunyo 30. 

Matatandaang mapapanood sa nasabing viral video na balisa ang driver matapos niyang idaing na pinagkukurot siya umano ng ilang raliyista at kinuha raw ng mga ito ang susi ng kaniyang motor sa kasagsagan ng gitgitan sa People Power Monument. 

“Ito nga eh pinagkukurot ako. Kinuha na nila eh [susi ng motor]. Ano ba yung pinaglalaban bakit ganito? Tao rin naman ako sa Pilipinas,” saad ng driver. 

Direktang banta naman ng isang raliyista sa driver, bagama’t nasa harap ng nasabing pulis, “Tao ka nga, wag ka nang magsalita. Gusto mo bang mamatay?” 

Bilang tugon, sinubukang pakalmahin ng pulis ang driver upang bumaba ang umiinit na tensyon at mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa kasagsagan ng kilos-protesta, na kinilala ng QCPD sa kanilang pahayag nitong Biyernes, Hulyo 3. 

Metro

‘Shortened operations,’ ipinatupad sa LRT-2 ngayong Hulyo 25

“In handling this situation, the officer operated under the principle of maximum tolerance, adhering strictly to Philippine National Police (PNP) operational procedures and the provisions of Batas Pambansa Blg. 880 (The Public Assembly Act of 1985). The primary objective of the officer on the ground was to prevent violence and ensure the safety of all individuals present,” ani QCPD. 

Dahil dito, binanggit ng ahensya na nilalayon ng kanilang masusing imbestigasyon na makuha lahat ng ebidensya sa insidente sa pamamagitan ng mga pahayag mula sa nasabing pulis at maging sa driver. 

“The QCPD is currently conducting a thorough and impartial investigation into the incident. We remain committed to examining all available evidence, obtaining statements from all parties involved, and ensuring that due process is strictly observed. Further updates will be provided as the investigation progresses and once the facts have been fully established,” saad ng QCPD.

Kaya pinapatawag din nila ang driver at iba pang mga nakasaksi ng insidente upang matulungan ang pag-usad ng imbestigasyon.                                                                               

“The QCPD likewise formally calls upon the involved motorcycle rider and any witnesses to come forward. We urge the public to provide direct information to assist our authorities in establishing the facts of the incident,” panawagan ng ahensya. 

Sa kaugnay na ulat, ipinag-utos ni Sen. Raffy Tulfo noong Huwebes, Hulyo 2,  na muling isailalim ang nasabing pulis sa retraining program upang magsanay sa pagharap sa tensyon sa mga malawakang pagtitipon.