Ipinapakiusap ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa publiko na iwasan at itigil na ang cyber bullying, online harassment, pagpapakalat ng anumang hindi beripikadong impormasyon, at personal na mga pag-atake sa mga iniimbestigahang student-athletes at managers, kasunod ng trahedyang pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili noong Hunyo 8.
Sa pahayag ng ADMU noong Sabado, Hunyo 27, ibinahagi nilang habang patuloy na nakatuon ang atensyon ng publiko sa trahedyang sinapit ng mga manlalarong sina Baterbonia at Adili, hinihiling ng pamantasan na isaalang-alang din na ang iba pang litrato at pangalang kumakalat online ay pagmamay-ari ng mga mag-aaral, na ngayon ay humaharap na sa mahirap na sitwasyon dahil sa mga kritisismo at atensyon.
“As public attention surrounding this incident continues, we ask everyone to remember that many of those whose names and images have circulated online are young students who are now living through an extraordinarily difficult experience,” ani ADMU.
Kaya anumang kalabasan ng imbestigasyon, naniniwala ang ADMU na nararapat na itrato ang mga mag-aaral na ito ng may katarungan, dignidad, at pagkamakatao.
Dito ay nanindigan ang ADMU na ang kritisismo ay hindi kailanman dapat nauuwi sa pangha-harass, pangungutya, at pang-aabuso.
“Whatever the outcome of the ongoing investigations, they deserve to be treated with fairness, dignity, and humanity. Public criticism should never descend into harassment, threats, ridicule, or online abuse directed at students or their families,” mariing saad ng ADMU.
“We respectfully urge everyone to refrain from cyber bullying, online harassment, the spread of unverified information, and personal attacks against those involved. Let us allow the appropriate processes to determine the facts, remembering that the pursuit of accountability must never come at the expense of our shared humanity,” dagdag pa ng ADMU.
Sa pagtatapos ng pahayag, tiniyak ng ADMU na patuloy ang pakikipagtulungan nila sa mga awtoridad sa imbestigasyon ng trahedya, gayundin ang pakikidalamhati sa mga naulilang pamilya at kalapit na kaibigan nina Adili at Baterbonia.
“As we continue to grieve this profound loss and cooperate fully with the ongoing investigations, we ask that compassion guide our words and actions. Even in moments of deep sorrow and intense public scrutiny, we believe that accountability and our shared humanity must go hand in hand,” muling panawagan ng ADMU.
KAUGNAY NA BALITA: Team building ng Ateneo sa Aurora, basehan lang kung sinong isasama sa final line-up—DILG
KAUGNAY NA BALITA: Therapist, ball boy, kasama sa mga kakasuhan sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili!
KAUGNAY NA BALITA: 'Team manager wala?' Netizens, inalmahan pagdawit sa ball boys na kakasuhan sa Ateneo