May nilinaw ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa umano'y layunin ng team-building ng Ateneo Blue Eagles, kung saan nagresulta ito ng pagkasawi ng dalawang student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa press conference nitong Biyernes, Hunyo 26, 2026, iginiit ni DILG Asec. Brian Mey Tomas na ang naturang team-building ay upang sukatin umano ang kakayahan ng mga manlalaro upang makita kung dapat daw silang maisama sa line-up ng koponan.
"The supposed team-building activity conducted in Aurora was precisely made to determine which members of the team will make it ito the final list submitted by coach Tab Baldwin to the UAAP board," ani Asec. Tomas.
Paliwanag pa niya, sa 20 miyembro ng koponan, tanging 17 manlalaro lamang ang makaksama sa nasabing line-up at magkakaroon ng pagkakataong makalaro sa UAAP—ang pinakamalaking collegiate tournament sa bansa.
"This is signified by the fact that 20 members or 20 athletes were present during the activity but only 17 would eventually be in that list submitted to the UAAP Board. Meaning there would be three members eliminated," saad niya.
Dagdag pa niya, "It appears from the evidence gathered by the CIDG that this activity was made precisely to screen or as a requirement for entrance into that list."
Nitong Biyernes din nang inihayag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagrerekomenda ng reklamong hazing hinggil sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili.
Bukod kay Baldwin na mismong head coach ng nasabing koponan, damay din maging ang assistant coach, student manager at maging ang therapist at mga ball boys.
KAUGNAY NA BALITA: Therapist, ball boy, kasama sa mga kakasuhan sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili!
Sa kasalukuyan, wala pang isinasapinal na desisyon kung papayagan pang makasali ang Ateneo sa nalalapit na bagong season ng UAAP na nakatakdang magbukas sa Setyembre.