Inaabangan na ng lahat ang napipintong pagpasok ni Julia Montes sa longest-running teleserye ngayon na 'FPJ's Ang Probinsyano' na pinagbibidahan ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin.

Ayon pa sa Dreamscape Entertainment, agad na nakakuha ng 1M total views and counting in less than 6 hours ang maaksyong training ni Julia.

"1M TOTAL VIEWS & COUNTING IN LESS THAN 6 HOURS! Maraming salamat Kapamilya! Huwag palampasin ang maaksyong training ni Julia Montes! Watch it via DreamscapePH, ABS-CBN, Cinemo & iWantTFC Facebook page, and ABS-CBN YT," saad sa caption.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

IN PICTURES: Julia Montes and Coco Martin training for 'FPJ's Ang  Probinsyano' – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Pati ang mga sikat na celebrity gaya ni Megastar Sharon Cuneta, excited na rin sa balik-tambalan nina Coco at Julia. Ibinahagi pa niya sa kaniyang sariling Instagram account ang maaksyong larawan ng dalawa na mala 'Mr and Mrs. Smith' (pelikula nina Brad Pitt at Angelina Jolie noong 2005.

"We are all excited! Coming very soon! Coco Martin & Julia Montes in FPJAP," saad sa caption ni Mega.

Screenshot mula sa IG/Sharon Cuneta

Hindi ito ang unang beses na sasabak sa action drama series si Julia. Bumida na siya sa panghapong teleserye na 'Asintado' at '24/7' sa Kapamilya Network.

Ang unang teleserye namang pinagtambalan nina Coco at Julia ay 'Walang Hanggan' noong 2012.