CAGAYAN - Nababahala na ang mga residente ng lalawigan matapos bawian ng buhay ang 15 pasyenteng nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mismong Friday the 13th.

Sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) nitong Sabado, Agosto 14, umabot na sa 88 individual ang namataysa COVID-19 sa loob lamang ng 13 na araw matapos na maidagdag ang 15 pa nitong Biyernes, ayon na rin saCagayan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).

Apat sa nasawi ay taga-Tuguegarao City, ang kapitolyo ng Cagayan.

Dalawa rin ang naitalang namatay san Alcala at Iguig, habang tig-iisa naman sa Buguey, Gonzaga, Pamplona, Piat, at Rizal.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Umakyat na sa kabuuang 560 ang death case ng lalawigan simula nang magsimula ang pandemya sa bansa, ayon pa sa PESU.

Liezle Basa Iñigo