KUNMING, China — Nagsilang ng triplets ang isang ginang habang ito ay nasa quarantine area ng isang ospital sa Ruili City matapos mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Yunnan provincial health commission nitong Huwebes.

Dahil sa sitwasyon ng ginang, kaagad na isinailalim sa nucleic acid tests ang tatlong sanggol kung saan kinunan sila ng samples sa amniotic fluid, throat swabs at gastric juice — lahat negatibo.

Nitong Hunyo 9, isinugod sa pagamutan ang 29-anyos na ginang kahit 28 linggo pa lang itong buntis matapos makumpirmang tinamaan ng virus sa Yunnan.

“Our previous experience shows that the condition of COVID-19 patients in the third trimester of pregnancy is very complicated, especially if they are infected with the Delta variant. So it is urgent to ensure that the mother and babies receive timely, accurate and effective treatment,” ayon kay Bai Song, deputy director ng Yunnan provincial health commission

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Tinutukan ng 32 na doktor ang sitwasyon ng ginang dahil na rin sa maselan na pagbubuntis nito at upang maiwasan din ang premature birth, Gayunman, lumala ang kalagayan ng ginang nitong Hulyo 12.

Sa kabila nito, binantayan pa rin ang ginang at bumaba ang panganib o risk of premature nito hanggang sa tuluyan na itong manganak sapamamagitan ng caesarean.

“The infants are in stable condition and are being cared for in the special care unit,” ayon naman kay Duan Jiang, pediatrician sa isang First affiliated hospital ng Kunming Medical University at miyembro ng treatment team.

Xinhua