BAGUIO CITY – Nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Anti-Illegal Drugs Task Group ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 1,783 tabletas ng pinaghihinalaang ecstasy na nanggaling pa sa Germany sa ikinasang controlled delivery operation sa lungsod, nitong Huwebes, Agosto 12.

Paliwanag ni PDEA Regional Director Gil CeasarioCastro, inaresto nila si Elisa Aguirre Millare, 53, taga-New Era, Quezon City matapos tanggapin ang nasabing illegal droga sa harapan ng Bristle Ridge Residences sa lungsod, dakong 12:30 ng hapon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ni Castro, isang FostinaObobo, taga-40 41462 Neuss, Germany ang nagpadala ng illegal drugs sa Pilipinas at naka-consign sa isang Joyce Ann San Antonio, taga-Bristle Ridge Residences nglungsod.

Nauna nang naharangng mga awtoridad ang nasabing package matapos madiskubreng naglalaman ito ng iligal na droga kaya kaagad silang nagsagawa ng controlled anti-drug operation na ikinaarestoni Millare.

Paliwanag pa ni Castro, nang buksan ang package, kinuha ni Millare ang laman na sapatos kung saan nakapaloob din ang mga tabletas ng umano'y ecstasy na nagkakahalaga ng₱3,031,100.

Nahaharap si Millare sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda