Napiling gumanap na 'Old Darna' ang mahusay at premyadong Kapamilya actress na si Iza Calzado, na siyang magpapasa ng mahiwagang bato para sa kaniyang successor, sa katauhan ni Jane De Leon, na magiging 'Bagong Darna' at bibida sa television series ng Mar's Ravelo's Darna, ng Kapamilya Network.

Tuwang-tuwa si Iza nang ibigay sa kaniya ang mahalagang role na ito. Hindi na bago para sa kaniya na mapasama sa mga action-fantasy series. Sa katunayan, hanggang ngayon ay naalala pa rin sa kaniya ng mga tao ang karakter na 'Amihan' sa unang 'Encantadia' sa Kapuso Network, kahit na certified Kapamilya na siya.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Naiyak ako! It’s one of the best birthday gifts! On different levels, nakaka-lift lang ng puso at spirits,” saad ni Iza nang malaman ang magandang balita, sakto pa sa 39th birthday niya.

“Finally, I can claim to be part of the Pinoy superhero history! I almost had the chance in the past, but God had other plans. I was not meant to be that Darna but He surely prepared me to play this Darna. Everything always happens in His perfect time. I call it Divine Timing,” dagdag pa niya.

Dahil sa pandemya at pagkaka-deny ng ABS-CBN franchise renewal, na-delay nang bonggang-bongga ang proyektong ito. Finally, mukhang lilipad na nga si Darna!