Paano kung makainuman mo kahit online lang ang isang Paulo Avelino?!!

'Kilig-pechay' ang sangkababaihan at sangkabekihan sa Twitter post ni Kapamilya actor Paulo Avelino, matapos niyang maghanap ng kainuman online nitong gabi ng Agosto 9. Nag-tweet pa siya ng Zoom link kung saan game na game na nakipagkuwentuhan siya sa kaniyang fans.

"LF: Ka-inuman," saad niya sa Twitter post mga bandang 5:00 PM.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Screenshot mula sa Twitter

Game na game naman ang mga Twitter user sa kaniyang alok.

"Basta ikaw ang pulutan? Chos!" ani isa.

"Hay naku Papa Paulo, tatlong shots pa lang, magpapakalasing na ako tapos sasandal na sa iyo hahaha," turan naman ng isa.

"LF: Ka-inuman tapos ano? magiging close tayo, tapos getting to know each other, liligawan moko, tapos sasagutin kita, magiging tayo, tapos tatagal tayo, magiging cold na tayo sa isa't isa, tapos magbebreak tayo, maha-heart broken ako. wag na, salamat nalang sa 'LF: Ka-inuman' mo, Papa Paulo!" pabirong hugot naman ng isa.

Malapit nang mapanood ang romantic-comedy series nilang 'Marry Me, Marry You' katambal si Janine Gutierrez at kasama pa si Sunshine Dizon.

Image