Tila pasimpleng nilantad ng chef na si Luigi Muhlach ang relasyon ng half-sister niyang si Kaila Estrada kay Daniel Padilla.
Sa isang Instagram post kasi ni Luigi noong Martes, Abril 21, nagbahagi siya ng serye ng mga picture at video sa pagdiriwang niya ng kaarawan.
“39 ” saad ni Luigi sa caption.
Komento naman ni Daniel, “Happy kaarawan tol!!! FORE!!!”
“Maraming salamat bayaw! April boys let's go!! ” sagot ni Luigi.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang palitang ito ng komento nina Daniel at Luigi. Narito ang sey ng ilang netizens:
“BAYAW HALLELUJAH ”
"@muhlachluigi happy birthday sayo @muhlachluigi at salamat sa buhay mo dahil napasaya mokami ngayon araw Sana mabohay kapa nang matagal at maraming blessings domating sayo"
"@muhlachluigi wow, bayaw na tawag! Yeheeeeey"
"@muhlachluigi omg super kilig po sir the word bayaw stated by the kuya super happy for the whole family happy birthday sir and pogi forever.bless u always and your family "
"@muhlachluigi Wow, tanggap, accepted, approved by Kuya"
"@muhlachluigi OMG uwian na may nanalo na, yong tatay at nanay mo superstar tapos may bro inlaw kapa Superstar din. Luigi lang SAKALAM hahaha HBD sir Chef."
"@muhlachluigi hoy Sana All Bayawtotoo naba"
Matatandaang matagal nang umuugong na may namamagitan na kina Daniel at Kaila simula nang magkasama sila sa action series na “Incognito.”
Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Setyembre 2025, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na mag-jowa na umano ang dalawa.
Maki-Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz
Ngunit nang tanungin si Daniel ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe sa isang panayam, hindi niya itinanggi o pinabulaanan ang nasabing tsika.
Sabi lang niya, “Huwag n’yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayaw ko siyang maging showbiz, e. Well 'di pa rin naman maiiwasan 'di ba pero may choice pa rin naman ako, 'di ba?”
Maki-Balita: Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na