Usap-usapan ngayon ang umano'y tampuhan ng magkaibigang sina Daniel Padilla at Dominic Roque, na halos parang magkapatid na ang turingan.

Ayon sa latest vlog ni Mama Ogie Diaz, nag-unfollow daw sa kani-kanilang Instagram accounts sina Daniel at Dominic, at ang dahilan? Ang rumored girlfriend umano ni Dominic na si Bea Alonzo, na kasama niya ngayon sa Amerika.

WHO UNFOLLOWED WHO? Alleged rift between Daniel Padilla, Dominic Roque  surfaces – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Hindi pa malaman kung ano ang konek nito, pero ang espekulasyon, baka raw nagtampo si DJ kay Dominic dahil ang oras at atensyon nito ay laging nakababad kay Bea!

Kapansin-pansin umano na wala si Dominic sa mga bonding ng 'Nguya Squad,' tawag sa barkadahan nila kasama sina Kathryn Bernardo, Ria Atayde, Marco Gumabao, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Joe Vargas, Bianca Yanga, Patrick Sugui, at Aeriel Garcia.

Noon, tinawag pa ngang 'Pambansang Third Wheel' si Dominic dahil lagi siyang kasama sa pictures nina Daniel at Kathryn. Pero simula ng 'magkadyowa' eh parang nawalan na siya ng panahon sa friends niya.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Samantala, wala pa namang pahayag ang magkabilang kampo hinggil sa isyung ito.