Umaabot pa sa 8,127 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa hanggang nitong alas-4:00 ng hapon ng Huwebes, Agosto 5, o isang araw bago ang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Batay sa case bulletin no. 509 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na sa ngayon sa 1,627,816 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang total cases, 4.1% pa o 66,895 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Kabilang sa active cases ang 94.6% na mild cases, 1.9% na severe, 1.30% na moderate, 1.1% na critical at 1.0% na asymptomatic.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 4,343 pang pasyente na bagong gumaling sa sakit.

Sa kabuuan, mayroon nang 1,532,494 total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.1% ng total cases.

Mayroon din namang 196 pasyente pa ang mga namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Sa ngayon, mayroon nang 28,427 na total COVID-19 deaths sa bansa o 1.75% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon rin namang 135 duplicates silang tinanggal mula sa total case count, kabilang dito ang 125 recoveries.

Mayroon ring 15 kaso na unang na-tagged bilang recoveries, ngunit malaunan ay natuklasang aktibong kaso pa pala.

Mayroon rin namang 131 kaso na unang natukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay nakumpirmang binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon.

Mary Ann Santiago